Tag Archives: negros

Martial Law NOT a Golden Age

edsahunger

Advertisements

2 Comments

February 25, 2017 · 9:26 am

Batchoy

Kapag nasa Negros ka o kaya sa Iloilo kailangan mo kumain ng batchoy. At sa aking paghahanap ito ang mga natagpuan ko.

Super Batchoy 1.jpg

Sa Bacolod sakay ng Bata. Yung ruta ng jeep ha, baka kung ano masakyan mo makulong ka pa. Dadaan yan sa Locsin st. Tanong-tanong ka na lang dun kung saan ang Super Batchoy.  

Super Batchoy 4.jpg

Yan ang Super Batchoy House. Sobrang busy n’yan di nawawalan ng tao. 

Super Batchoy 2.jpg

Yan ang regular batchoy nila. Madami na yan. Tapos samahan mo ng tinapay. Ok ‘to masarap talaga, tsaka yung beef strips talagang nangunguya mo. 

Super Batchoy 3

Ang regular batchoy nila ay 48 pesos. Tingnan mo ang presyo sa dingding para sa ibang orders. May softdrinks ako, dalawang tinapay at batchoy, hindi umabot ng Php 100.00 ang binayaran ko.

Molo Convento.jpg

Next stop sa Molo. Dumaan ka muna sa church at isama ako sa dasal. Tsaka kapag nariyan ka madali na lang hanapin ang Pid Al. 

Molo Batchoy Pid Al.jpg

Ang Pid Al ay pangalan ng kainan. At ito yun. Cozy ang lugar lalo na kasi katapos lang ng tanghalian. 

Molo Batchoy.jpg

Dahil nasa Molo town ako, umorder ako ng Molo soup. Pero sabi sa akin batchoy lang daw meron sila. Kaya umorder ako ng batchoy. Specialty din nila native coffee, yun yung tasang nasa likod ng bowl. Brewed coffee yan at masarap sa halagang Php 16.00! Mukhang tinataga tayo ng coffee shops dito sa Manila. Masarap din batchoy nila at madami din ang serving. Wala pang Php 100.00 ang binayaran ko.

Mga lugar ‘yan na natsambahan ko lang talaga. Kasi kahit gutom na ako sabi ko di talaga ako kakain sa fastfood. Kaya ako napadpad sa mga lugar na yan. Kumain din ako ng batchoy sa Guimbal kaso naubos na battery cellphone ko, kaya di ko nakunan ng larawan. Iba din ang timpla ng batchoy dun. Di na ako nakapunta sa La Paz kahit malapit lang kasi kulang sa oras e.

Walang katulad kapag kumain ka ng batchoy sa mga lugar na ito. Yung bayan, tao, pagkain at presyo kailangan mo talagang ma-experience.

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Sipalay at ang mga Isda  

Nagbakasyon ako sa Sipalay, Negros Occidental. Mga one day lang, mahabang kwento kung bakit. Pero sakto na nagkita kami dun ng mga second cousins ko na umuwi ng Pilipinas last December.

“Gusto mo sumama sa amin sa snorkeling?” yaya nila. Syempre pakipot muna, “Kailangan ko na talagang umalis bukas e, puntahan ko pa sila Tiyoy at Tiyay sa Nauhang.” Pero madali naman nila ako naconvince at binigay ko agad ang matamis kong “Oo.” Ano ba naman kung ma-delay ako ng kalahating araw di ba? Dahil may mga trabaho na sila at sa palagay ko magaganda ang mga suweldo, naisip ko na wala din namang mawawala sa akin kung ililibre nila ako. Kamag-anak naman. Hehe.

First time kong ma-meet ang mga second cousins ko sa Negros. Nagkataon na nagbabakasyon din sila at pinapasyal ang kanilang mahal na nanay (pinsan ng tatay ko) sa Sipalay.

Ang sabi ni Manang Ging, isa sa mga pinsan ko, mahilig daw sila mag-snorkel ng asawa nya at marami na silang napuntahan, mula Palawan hanggang Cebu, pero iba daw talaga ang Sipalay. Sabagay lahat naman iba-iba hehe.

Nagpalipas kami ng gabi sa Campoquino resort. Libre din ako dun kasi yung first cousin ko naman ang nagmamanage ng resort. Sa totoo lang natatawa ako ngayon, parang ang kapal lang talaga ng mukha ko sa kanila, kasi di ko man lang sila inalok na kesyo babayaran ko room ko o kaya mag-share kami sa bangka. Basta chill lang ako dun. Anyway babawi na lang ako sa susunod.

Sumapit ang gabi at nauwi kami sa kwentuhan over beer tsaka inihaw na isda. Sa Sipalay yun ang hanapin mo – isda. Walang tatalo sa sarap ng sariwang isda, kahit di masyadong luto, walang lansa.

Kinaumagahan, mga 6:30, pumalaot na kami papunta sa fish sanctuary. Maaga kaming pumunta para hindi maalon. Isa lang masasabi ko ang ganda ng paligid at malinis ang tubig. Mayroon kasi silang programa na tinatawag nilang Bantay Dagat. Kaya panatag kang alaga ang paligid at marine life. Mga 20-30 minutes ang biyahe papunta sa fish sanctuary, pero sulit ang papunta dun kasi scenic talaga ang paligid. Ramdam mo na malayo ka sa kabihasnan. Pagdating sa fish sanctuary, which is actually a cove, na pinapaligiran ng luntiang bulubundukin, agad-agad ako nagsuot ng life vest at tumalon sa tubig.

Ang tubig sobrang linaw, you can actually see several meters below. And so far yun ang pinakamagandang showcase of living corals and diversity ng isda na nakita ko. Malawak ang area, unlike some snorkeling sites na napuntahan ko na limited lang. Sa Coron halimbawa puro shipwrecks ang tinatanaw mo pero palalim agad kaya mas enjoyable yun sa mga scuba divers. Pero sa Sipalay unang lublob ko pa lang limang varieties of fish agad ang nakita ko matched with a superb seascape below. Isang area lang yan. Malawak ang span ng reef at buhay na buhay. Tsaka kung matyaga ka may makikita ka pang pawikan.

Sabin g Tiyo ko nung bata pa sila di naman daw nila pinupuntahan yung lugar na yun. Lately lang daw nadiscover para pasyalan. Kaya sobrang pasalamat ko talaga sa mga pinsan ko sa experience.

Ito ang byahe ko from Bacolod:

Bacolod to Sipalay (vice versa): 3 hours by van (highly recommended; around Php 200.00); 6-7 hours by Ceres bus: Php 209.00

Sipalay to Campoquino: tricycle lang

Bangka rent (3 hours): Php 1, 500.00

Kung interesado ka na pumunta sa Sipalay sabihan mo lang ako tapos i-recommend kita sa pinsan ko. Seryoso. Tsaka di ako sasabit sa lakad mo promise.

Maganda talaga ng Pilipinas. Simula sa tao hanggang sa paligid.

Campoquino View.jpg

Umaga sa Campoquino. You can trek that hill since it’s part of Campoquino’s property. Unfortunately I did not have much time to try it.

 

Campoquino sand.jpg

Pino ang buhangin. But it turns grayish kapag nabasa. Unlike Boracay’s which remains white when wet. Hindi lang nila na-comb ang sand kaya may mga dahon.  

Campoquino Hut.jpg

Campoquino’s bar. 

Campoquino bangka 6

Papunta na sa fish sanctuary. Malinis at asul ang dagat, tapos hilly and green ang surrounding landscape. Parts were enchanting with morning mist.

Campoquino Bag

May sariling dalang vests ang mga kasama ko. Yun ang pinahiram sa akin. 

Campoquino Bangka 4

Nakadaong na kami sa fish sanctuary. Sila kuya nanonood habang nag-aayos kami. 

 

Campoquino Dive.jpg

The water’s teeming with life. Wala akong underwater cam. Sayang. Hindi dahil hindi ko dala, kundi wala talaga ako hehehe.  

Campoquino  Dive 3.jpg

Part ng stretch ng fish sanctuary. 

 

Leave a comment

Filed under Uncategorized