Tag Archives: coffee

Batchoy

Kapag nasa Negros ka o kaya sa Iloilo kailangan mo kumain ng batchoy. At sa aking paghahanap ito ang mga natagpuan ko.

Super Batchoy 1.jpg

Sa Bacolod sakay ng Bata. Yung ruta ng jeep ha, baka kung ano masakyan mo makulong ka pa. Dadaan yan sa Locsin st. Tanong-tanong ka na lang dun kung saan ang Super Batchoy.  

Super Batchoy 4.jpg

Yan ang Super Batchoy House. Sobrang busy n’yan di nawawalan ng tao. 

Super Batchoy 2.jpg

Yan ang regular batchoy nila. Madami na yan. Tapos samahan mo ng tinapay. Ok ‘to masarap talaga, tsaka yung beef strips talagang nangunguya mo. 

Super Batchoy 3

Ang regular batchoy nila ay 48 pesos. Tingnan mo ang presyo sa dingding para sa ibang orders. May softdrinks ako, dalawang tinapay at batchoy, hindi umabot ng Php 100.00 ang binayaran ko.

Molo Convento.jpg

Next stop sa Molo. Dumaan ka muna sa church at isama ako sa dasal. Tsaka kapag nariyan ka madali na lang hanapin ang Pid Al. 

Molo Batchoy Pid Al.jpg

Ang Pid Al ay pangalan ng kainan. At ito yun. Cozy ang lugar lalo na kasi katapos lang ng tanghalian. 

Molo Batchoy.jpg

Dahil nasa Molo town ako, umorder ako ng Molo soup. Pero sabi sa akin batchoy lang daw meron sila. Kaya umorder ako ng batchoy. Specialty din nila native coffee, yun yung tasang nasa likod ng bowl. Brewed coffee yan at masarap sa halagang Php 16.00! Mukhang tinataga tayo ng coffee shops dito sa Manila. Masarap din batchoy nila at madami din ang serving. Wala pang Php 100.00 ang binayaran ko.

Mga lugar ‘yan na natsambahan ko lang talaga. Kasi kahit gutom na ako sabi ko di talaga ako kakain sa fastfood. Kaya ako napadpad sa mga lugar na yan. Kumain din ako ng batchoy sa Guimbal kaso naubos na battery cellphone ko, kaya di ko nakunan ng larawan. Iba din ang timpla ng batchoy dun. Di na ako nakapunta sa La Paz kahit malapit lang kasi kulang sa oras e.

Walang katulad kapag kumain ka ng batchoy sa mga lugar na ito. Yung bayan, tao, pagkain at presyo kailangan mo talagang ma-experience.

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Pares Mami o Starbucks

Basilio                Malayo ang comparison di ba? Nag-iisip lang ako ng common sa dalawa. Hirap e. Pero in a way may pagkakapareho. Sa Pares, sabaw pa lang ulam na. Kahit na yung sabaw e halos kasing linaw ng tubig. Sa Starbucks naman yung brewed coffee nila pwede mo din isabaw sa kanin. Masarap yun sa mainit na kanin at kapag tuyo (binislad, bulad, dried fish) ang ulam mo. Yung latte at frappe sa Starbucks na malamig, siguro pwede mo isabaw sa bahaw o tutong. Choosy ka pa walang gumagawa nun, ikaw lang kung sakali.

Pangalawa di ka pwedeng mag-aral sa Pares. Kasi ang bilis ng palitan ng customers. Sigurado may nakatayo na sa likuran mo habang kumakain ka, lalo na ‘pag tanghali. At least ganyan sa kinakainan kong Pares house. Tsaka wala kang paglalagyan ng books mo, ‘di gaya sa Starbucks. Kasi ang studious mo lang di ba? Ayaw mo sa library mag-aral. Kung di ko pa alam kunyari ka lang nag-aaral sa Starbucks e. Fifty percent dyan pa-cute. Joke lang kahit alam ko may tinamaan, hehehe.

Saka pag-oorder ka sa Pares di ka na nagpapasosyal:

“Uhmmm, yeah, may I have two pares, extra rice then extra sabaw.”

“Your name ma’am?”

“Uhmm, Trish.”

“Ah, Miss, pa-add na rin for dessert, one bowl of bulalo and eight siomais. Thanks! God ang ineeeeet.”

“Anything else ma’am? None? Ok, please wait till your name is called. Have a nice day.”

Kung ganyan ka umorder sa Pares, sigurado malilito yung tindera kung san isusulat yung pangalan mo. Sa pwet ng baso o sa gilid.

Bakit nga ba pinagtatabi ko ang Pares at Starbucks? Sa pares, pawis ka. Sa Starbucks dry ka. Sa Pares di ganun kakomportable ang upuan, sa Starbucks may sofa. Sa Pares stainless steel yung lamesa mo, sa Starbucks polished wood o glass. Sa Pares pang full-meal ang order, sa Starbucks pang-meryenda.

Napansin ko ito dahil naitanong ko sa sarili kung in touch pa rin ba tayo sa kultura natin, kahit binabaha tayo ng mga angkat na kultura at establisyemento? Pwedeng ibida mo na madali tayong makibagay or bumagay.

Madalas mangyari sa akin na makakita ng kakilala sa Starbucks o sa specialty shops na may kamahalan, pero, isang araw, makikita mo kumakain ng barbeque sa kanto o kaya nasa Pares Mami. O kaya naman magkikita kayo sa Resorts World pero at the same time magkakasalubong din naman kayo sa Divisoria. Madalas din naman na may kakilalang limitado na lang ang buhay sa mga de-aircong lugar. Nakahon sa “sosyal.”

Ang tanong kasi dito anong mundo na ba ang ginagalawan mo? Dahil ba afford na ang posh and garish places e, cheap at backward na ang Divisoria at Quiapo? Hindi ka na pwedeng pumunta sa palengke? Alam ko status symbol ang pagpunta sa mga posh na lugar. Pero, ano ba naman yung alam mong may pera ka at afford mo, pero di ka addik sa mga lugar na mamahalin at ang kultura ay hindi mula sa atin. Maano ba naman kung dun tayo pumunta sa mga lugar na “atin.” Lugar na pinupuntahan ng mga lolo at lola natin. Mga lugar na bumuhay sa maraming Pilipino noon at ngayon.

Sa usapang pang-ekonomiya: ilagay natin ang pera sa mga negosyong binuo ng Pilipino, para sa Pilipino. Pares pare at mare?

Leave a comment

Filed under Uncategorized