Walk for Life address Bishop Soc

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Walk for Life

Just arrived after joining Walk for Life at Quirino Grandstand. There were a lot of people this morning. Unfortunately the participants were only allowed to march around the block fronting Quirino Grandstand. We did not even march on Roxas Blvd. It was something questionable since, I have joined Fun Runs before along Roxas. Fun Run pwede but Walk for Life hindi?

So many people were there that we have circled the block but the tail-end of the participants have not yet marched out of the field.

Bishop Soc during the gathering said, “Bakit tayo nagtitipon ng madaling araw dito? Kasi ngayon ang oras kung kailan may pinapatay.” I quoted this from memory. I know many things that have been said during the gathering will not come out faithfully out on our media. But threats have been expressed by the government against holding such events. This will not come out officially, but it was clear to us who were there. Threats at this time? Demokrasya pa kaya ito?

The event was already free as of yesterday because attendees were more than expected.

walk-for-lifef

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Napoles is “getting away?”- power of connections

“ASIDE FROM being colleagues in the legal profession, Solicitor General Jose C. Calida and the lawyers of Janet Lim Napoles have one other important thing in common: They are supporters of President Rodrigo Duterte.

In fact, just two weeks after he was sworn in as the country’s chief executive, Duterte appointed one of them, Lanee Cui-David, as a deputy commissioner at the Bureau of Internal Revenue (BIR).

In 2003, Cui-David and husband Stephen founded the David, Cui-David, Buenaventura and Ang Offices, the law firm that Napoles hired in 2014 to defend her in her pork-barrel cases at the Sandiganbayan, as well as in her tax evasion cases at the Court of Tax Appeals.

Graduates of the San Beda College of Law, Duterte’s alma mater, the Davids are the chief legal counsels of Napoles and her children Jo Christine and James Christopher, who are also respondents in the Sandiganbayan cases.”

The Benedictines at San Beda must be thinking profoundly by now.

Source: http://pcij.org/stories/lawyers-duterte-napoles-what-gives/

2 Comments

Filed under Uncategorized

Paano mo mamahalin ang Pilipinas?

Ang sabi nga ng matatanda “You only love what you know.” Kaya, paano mo masasabing mahal mo ang Pilipinas kung di mo naman sinusubukang mahalin ang lugar na kinalakihan mo?

Isa sa mga natutunan ko kay Nick Joaquin ay yung pag-papahalaga niya sa Maynila. Ayon sa kwento, ugali daw ni Nick Joaquin ang maglakad ng malayo pagsapit ng alas quatro ng hapon.

From boyhood to teenhood to adulthood, Nick’s world was Manila, the Manila of his affections ­Paco, Malate, Intramuros, Luneta, Sampaloc. Later, his world stretched farther to cover San Juan, Mandaluyong, Makati, Quezon City, the entire country.

Tinanggap at pinahalagahan ni Nick ang ating kasaysayan at kung ano meron sa panahon niya, sa pamamagitan ng paglalakad. Astig din kasi sa paglalakad niya umaabot din siya sa Sampaloc.

In fact, kaibigan ng tatay ni Nick Joaquin si Emilio Aguinaldo. Pero di naman siya nagtanim ng sama ng loob sa Espanya. Kumpara sa mga kabataan ngayon, kapag binanggit ang Espanya galit na galit! Akala mo nadenggoy sila. Anyway, dun din naman ako nagsimula. Pero nung pinag-aralan ko kung bakit ganun ang pagtingin ko sa Espanya at sa nakaraan natin, nabobohan ako sa sarili ko. Naisip ko na bunga ito ng maling edukasyon, at mababaw na pag-unawa sa kasaysayan natin. Sa larangang ito may matutunan tayo kay Nick Joaquin.

 

Young Nick, quiet and shy, must have imagined himself amid the smoke and fire of the Revolution. Though his father fought Spain, he and all his brothers and sisters grew up speaking Spanish at home and with relatives. Nick now wields English like his mother tongue, yet he would use it to defend Philippine independence, and also to insist that the coming of the conquistadores was ultimately good for the Philippine archipelago because, for one, Spain turned our scattered islands of different languages into a nation.

Makikita mo ang humility at pasasalamat ni Joaquin sa mga Kastila. Kaya kilalanin natin ang batang taga Paco, Maynila, si Nick Joaquin.

Nick Joaquin was born on May 4, 1917, in Paco, Manila. His mother, Salome Marquez, a teacher of English and Spanish, was a wide reader of literature. She read poems and stories to her little children. His father, Leocadio Joaquin, a veteran of the 1896 revolution, was a respected and much-sought-after lawyer.

 

Paano mo mamahalin ang Pilipinas? Mahalin mo muna ang nasa paligid mo, pahalagahan, kilalanin at lakarin.

 

 

 

 

Source: (The National Artists of the Philippines. Manila: Cultural   Center of the Philippines, National Commission for Culture and the Arts, and Anvil Publishing, 1998)

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Ang Alamat ng Basilio Street

basilio

Noong hinahanap ni Sisa si Basilio at Crispin lagi niyang sinasabi sa nakakasalubong niya “Nasaan si Basilio at Crispin?” At ang mga taong nakakasalubong niya ay lagi naman siyang tinuturo sa isang daan. Simula noon tinawag na ang daan na Basilio.. Acheche.

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Tae sa Tren

Noong marami pang informal settlers na nakatira sa gilid ng riles ng tren, ang kanilang basurahan ay ang bubong ng tren. Kapag dumadaan kasi ang tren sa tapat ng bahay nila iniitsa ng mga nakatira doon ang kanilang nakabalot na basura sa taas ng tren. Ewan ko kung nagmimintis din sila sa pag-itsa. Siguro, kasi tao lang din sila, nagkakamali. Pwedeng sobrang hina ng itsa at sa bintana ng tren tumatama yung supot, at saktong sasabog sa mukha ng pasahero. O kaya, baka naman sobrang muscle-muscle yung nag-itsa ng basura at sa sobrang lakas sa kabilang bahay lumanding yung supot na may kasamang pasabog. Hindi natin masabi. Pero, generally experts naman sila kaya sigurado ang lagapak ng basura sa bubong ng tren.

Kaya kapag tumawid na ang tren sa Espanya marami ng plastic bag sa bubong nito. Iba diyan tae. Pero noon yun.

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Tayo na sa Antipolo

antipolo

Hindi ito yung Antipolo na na nasa kantang “Tayo na sa Antipolo, at doon maligo tayo…” Ang tinutukoy natin ay ang Antipolo street na malapit sa riles ng tren sa Sampaloc, Manila. Ilang taon na ang nakararaan, sa may kanto ng Antipolo street at Dapitan merong istatwa ng Sacred Heart of Jesus. Ganun din, sa pagkakaalam ko may istatwa din ni Hesus (o Mama Mary) sa kanto ng Espana Blvd. at riles ng tren. 1980s o 70s pa ata, andun na yun. Kaya kapag nag-sign of the cross na yung matatanda sa loob ng jeep, alam mo kung nasaan ka na, malapit ka ng tumawid sa riles ng tren. Hanggang ngayon meron pa ding nagsa-sign of the cross kahit wala na yung dalawang religious statues. At dun ko nalalaman kung matagal na silang nakatira sa gawing Sampaloc na iyon.

Noong bata pa kami, naghuhulog kami ng sulat sa satellite office ng Post Office sa Laong-Laan street. Sa Antipolo kami dumadaan. Naalala ko nung minsang naghulog ako ng sulat, nagdalawang isip ako kung didilaan ko ba yung sobre at selyo (stamp). Kasi sa classroom nung tinuruan kami paano maghulog ng sulat, halos lahat kami sa klase dinilaan yung sobre para isarado. E, sa post office, parang awkward naman gawin kasi baka isipin nila kumakain ako ng sobre. At saka wala akong nakitang matanda na dinidilaan ang sobre at selyo. Kaya kunyari may kinakalikot ako sa sobre habang iniintay ko kung anong estilo ang ginagawa ng mga beterano sa post office pagdating sa pagsarado ang sobre at pagdikit ng selyo. Buti naman at may dumating na matandang maghuhulog ng sulat.

Di ko agad nabigyan ng pansin ang isang lalagyan ng spongha (sponge) sa isang maliit na lamesa. Sobrang dumi kasi tingnan nung lalagyan kaya di ko alam kung para saan yun. Isinawsaw ng matanda ang daliri niya sa basang spongha at yun ang pinahid niya sa sobre at sa likod ng selyo. At yun ginawa ko. Kasi may kasabihan tayo, kung ano ang ginawa ng matatanda ginagaya ng mga bata. Bow.

At yun yung naalala ko sa Antipolo street, bukod sa mga paminsan-minsang riot sa may riles ng tren. Noon yun, ngayon tahimik na sa Antipolo. Kaya tayo na sa Antipolo.

Leave a comment

Filed under Uncategorized