Mga piling mensahe mula sa CBCP Pastoral letter ukol sa Drugs at Killings, 2017

Ang ibig sabihin ng pagiging Kristiyano o pagiging Katoliko simple lang: naniniwala ka sa Diyos at kay Kristo na isang Diyos. Kung hindi, pwede mo namang ayusin ang buhay mo ayon sa paniniwala mo without referring to your belief in God. Ito siguro ang dapat na context ng pagbabasa at pag-unawa natin sa Pastoral Letter ng CBCP.

 “Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, wika ng Panginoon!” (Ezekiel 18:32)

Comment: Ito ang saloobin ng Diyos sa Bibliya. Ang mga sumusunod na pahayag ay nakabase sa saloobin ng Diyos.

“Labis kaming nababahala, kaming inyong mga Obispo, sa maraming namamatay at pinapatay sa  pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot o droga.. Hindi lang kami nababahala sa mga pinatay. Nakakabahala ang kalagayan ng mga pamilya ng mga nasawi. Mas lalong pinahirapan ang buhay nila.”

Comment: Bago pa man naglabas ng Pastoral Letter ang CBCP marami na mula sa mga squatters area ang nagsasabi na may nadadamay sa pagpatay. May rape pa nga na nangyayari dahil dinudukot ang asawa kasama ang drug suspect. Parehong patay kinabukasan. Ang tatlong anak nila? Ulila. Marami pang kuwentong ganyan na di linalabas sa media. Marami sa kanila tatlo at mahigit pa ang mga anak. Potential drug addicts din ba sila?  Paano natin sila titingnan? Potential kriminals? Mas lumalaki ang problema sa method na ginagawa ng gobyerno laban sa drugs.

“Marami ang nasasawi na hindi naman droga ang dahilan. Hindi na napananagot ang mga pumapaslang.”

Comment: Paano ang mistaken identity? Hindi lang isa ang namatay. Paano din ang kanilang pamilya? May vigilante ba o pulis na nakasuhan? Ang vigilante criminal din naman yan. Bakit hinahayaan natin sila gumala-gala sa barangay o siyudad natin? Kaibigan ba natin sila? Hindi. Sila yung mga taong sanay pumatay at ni hindi man lang natin alam kung ano talaga ang motibo nila.

“Nakikiisa kami sa layuning pagbabago na hinahangad ng marami nating mga kababayan. Ngunit ang pagbabago ay dapat gabayan ng katotohanan at katarungan.”

Comment: Hindi naman kinakalaban ng Simbahan ang anti-drug program. Ang method ang di-sinasangayunan.

“Ang buhay ng bawat tao ay galing sa Diyos. Ito ay kanyang kaloob at Siya lang ang makababawi nito. Kahit ang pamahalaan ay walang karapatan na kumitil ng buhay sapagkat siya ay katiwala lamang ng buhay at hindi ang may-ari nito.”

Comment: Yun naman talaga ang trabaho ng Pamahalaan. Hindi simpleng isawalang bahala ang buhay ng isang tao na namatay sa mistaken identity, sa pamilya ng mga namatay dahil ang mga bata ay Filipino citizens din, at sa patuloy na pagpaslang sa kalye natin ng walang due process.

“Ang bawat-isa ay may karapatang ituring na walang sala hanggang mapatunayan na siya ay nagkasala. Ang lipunan ay may pamamaraan at proseso upang mahuli, mapatunayan ang kasalanan, at maparusahan ang gumagawa ng krimen. Ang prosesong ito ay dapat sundin, lalu na ng mga alagad ng batas.”

Comment: Rule of law ang pairalin. Lawlessness, ngayon, will lead to a spiral of violence na maaaring hindi na natin mapapahinto.

“Ang malalim na ugat ng problema ng droga at ng kriminalidad ay ang kahirapan ng nakararaming mga tao, ang pagkasira ng pamilya, at ang korapsyon sa lipunan. “

Comment: Obvious naman.

“Kapag sinang-ayunan o pinabayaan natin ang patuloy na pagpapapatay sa mga itinuturing nalulong sa droga at mga nagtutulak nito, kasama na tayong mananagot sa  pagpatay sa kanila.”

Comment: Sa mga naniniwala sa Diyos: may bahid na tayo ng dugo sa ating mga kamay kapag sumang-ayon tayo sa paraan ng gobyerno. Kasama ‘yan sa paghuhusga kapag namatay ka. Pero kung di ka naman naniniwala sa kabilang buhay at sa Diyos, e, tingnan na lang natin sa kabilang buhay. Malalaman din naman natin. Basta walang sisihan.

“Nangako ang ating Panginoong Jesus: “Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan.” (Juan 16:33)

Comment: Nangako ang Diyos na namatay dahil sa batas ng tao.

 

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s