Minsan nakinig din sa akin si Rico Blanco

Mga 2000-2002 – paumanhin sobrang malilimutin ako – sinama ako ng kaibigan ko sa isang Spoken Word event sa Greenbelt. Nagbabasa din ako ng tula nang mga panahong yun sa Intramuros tuwing Biyernes – naku nalimutan ko na yung lugar – Sanctum ba yun? Isa siyang bar sa pader ng Intramuros na malapit sa Letran. Sobrang cozy ng lugar. At yung nasa likod ng nasabing bar ang mukhang nag-organize ng Spoken Word event sa Makati. May mga artista. At isa na dun si Rico Blanco. Kaibigan ko ang isa sa mga hosts, at nung naghahanap na sila ng volunteer na magbabasa ng tula or gusto lang magsalita sa stageSpoken Word nga e – nagtaas ako ng kamay. Binasa ko dun ang isa sa mga tula ni Pope John Paul II. Syempre nagpalakpakan sila. E kahit di ka magaling papalakpakan ka pa din. Basta ganun ang atmosphere. Pero di ko na masyado naisip yun kasi habang nagbabasa ako nakita ko si Rico Blanco. At sa ilang minutong nasa stage ako, nakinig siya sa akin. Iba pala ang pakiramdam kapag pinapakinggan ka ng matagal mo nang pinapakinggan. Astig, kasi minsan nakinig din sa akin si Rico Blanco.

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s