“Hopia, mani, papkorn, stork, sigarilyo!”

Kung pakikinggan ninyo ang naglalako ng “hopia, mani, papkorn, stork, sigarilyo,” ang iisipin mo walking sari-sari store siya. Di nga lang kasama ang sopdrinks. Pero nawala na rin ‘yang mga naglalako ng “hopia, mani, papkorn, stork, sigarilyo.” Huli ko silang narining mga 1990s pa. Pero nung maliit pa ako, lagi iyang sinisigaw sa kalsada. Sa hapon naman “puto, lumpia!” Sa gabi, “balot, penoy, chicharon!”

Pero balik tayo sa hopia. Ang hopia siguro ang isa sa mga pagkaing sobrang lalim ng impluwensiya sa utak ng mga Pilipino. Oo, maimpluwensiya ang hopia. Katulad ng bibingka. Kung mapapansin ninyo, lagi silang kinakabit sa pangalan ng babae. Pero syempre special ang bibingka. Kapag pumunta ka kasi sa Norte maraming karatula kang mababasa na may nakasulat na “Queenies bibingka,” “Bibingka ni Helen,” at “Bibingka ni Rosy.” Imbento ko lang mga pangalan na ‘yan, pero siguro nakuha mo punto ko. May mga tindahan talaga sa highway na nakakabit ang bibingka sa pangalan ng babae.

Hindi ganun ka-evolved ang hopia. Kasi wala namang tindahan na pinapangalanang hopia + pangalan ng babae. Ang mga sikat, Eng Bee Tin, o Holland Hopia. Pero madalas din namang kinakabit sa pangalan ng babae ang hopia. Halimbawa, “hopia ni Nena,” “hopia ni Penang, ” “hopia ni Jessica,” o “hopia ni M. Ozawa.”

Ewan ko ba. Bakit ito ang nasusulat ko.

Anyway, ang hopia talaga ang isa sa mga ultimate pantawid gutom. Kung wala kang pang-Jolly meal, sigurado hopia ang takbuhan ng taumbayan. Yan, e kung, di ka kayamanan. Kasi kung mayaman ka, malamang wala sa survival food list mo ang hopia. Ang partner ng hopia ay sopdrinks.

Kapag inaabot kami ng gutom ng kaibigan ko sa kalsada, sa nearest bakery ang puntahan namin. Doon kasama namin mga karpintero, minsan construction workers, o mga successful tambays sa Sampaloc. Yun yung bakery na nasa kanto ng Pi y Margal* na malapit sa dating studio ng Bellestar. Yung bakery nakatapat sa dorm ng mga dancers. Ngayon alam nyo na kung bakit yun yung favorite hangout ng mga kalalakihan. Sa bakery minsan, konting bola lang sa tindera ng bakery makakalibre ka pa ng pandesal.

Pero naalala ko nung bata pa ako, may isa akong hindi masyadong magandang alaala sa hopia. Elementary pa ako noon, gutom talaga ako kaya bumili ako ng hopiang hapon sa isa lumang tindahan. Nung kinain ko yung hopiang hapon, lasang amag. Hindi naman ako “rights advocate” kaya hindi ako nagreklamo sa tindera. Ang ginawa ko bumili ulit ako. Tapos ayun, may amag ulit. Simula noon nagdududa na ako sa hopiang hapon.

Pero ganun pa man, isa lang sa maraming klase ng hopia ang hopiang hapon. \

Saka na siguro natin pag-usapan ang mani, papkorn, stork at sigarilyo.

 

 

*Pinangalan kay Francisco Pi y Margal ang nasabing kalye, isang Spanish politician at political theorist. Kaibigan siya ni Jose Rizal at “guro” ni Rizal na pagdating sa Republika. Ayon kay Carmen Pedrosa, “Pi y Margall was a strong advocate of autonomy for Spain’s remaining colonies, among them the Philippines.”

 

 

 

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s