“Tara Batuhan Tayo!”

Basilio

Bukod sa chinese garter, jackstone, bahay-bahayan (mga larong pang-chikas), langit lupa at iba pang laro, nasubukan nyo na ba maglaro ng batuhan? Yung trip lang. Kukuha kayo ng basag na hollow blocks tapos itatapon nyo yung tipak sa kalaro ninyo. Yung tatamaan taya. O kaya sa probinsiya yung mga batong pang-hilod naman ang pambato ninyo. Yung taya, babatuhin ninyo ng sampung beses, parang yung ginagawa sa pitik-bulag, may consequence.

“Tara batuhan tayo!” Iyan na siguro ang maririning ninyo sa mga bata pagdating ng uwian sa klase. “Wait lang, kuha lang ako ng hollow blocks tsaka graba.” Kapag may pambato na, pwede na magsimula ang laro.

Kapag naririnig mo ang mga bata na maglalaro sila ng baril-barilan, parang ok lang. Pero kapag maglalaro sila ng batu-batuhan, parang sablay sa tenga. Hindi tulad ng barilan ang batuhan. Napansin ninyo? Ang barilan nagiging laro sa pamamagitan ng air soft competition o kaya pabilisan sa shooting range. Ang batuhan bilang laro, sa perya mo lang makikita.

Sa buhay natin, lamang tayo kapag may bato tayong hawak. Sa opisina, ang bato e, log-in/ log-out card, deadline, suweldo. Pwede mong gamiting bato ang mga ito sa mga taong ayaw mo, “O, late ka na naman kabago-bago mo lang!” o kaya, “Di ba sabi ko ito ang deadline, di mo ginagawa trabaho mo e, gusto mo sesantihin kita?” Minsan naman, “Hija, sexy ka ah, bago ka lang? Halika kandong ka sa akin, taasan ko suweldo mo, basta ‘wag mo na ‘pagkalat ‘to ha.”

Sa pambabato namatay si St. Stephen. Si Hesus muntik na din mamatay sa pambabato. Kaya nga siguro kailanman hindi naging bahagi ng laro ng ating kabataan ang batuhan. Mahaba ang kasaysayan nito kaya malalim ang kahulugan. Ang batuhan ay nangyayari sa labas ng laro. Samakatuwid, ang batuhan ay hindi laro ng mga bata. Kung maituturing man itong laro, laro ito ni Satanas kaya nga lagi tayong pinaalalahanan, “The accuser of our brothers is cast out.” Mahilig mambato sa Satanas – nakamamatay, nakasasakit.

Ang kuwento tungkol sa pambabato sa buhay ng ating mga martir at sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo ay laging kadikit ng kamatayan. Sapagkat ang laro ni Satanas ay laro ng kamatayan.

Bukod sa laro ni Taning, dalawang katangian ang maisasalarawan natin sa “batuhan”: una ang pambabato ay bunga ng pagkapikon o galit sa puso na may layuning makasakit o makapatay, at sa lebel ng laro ang “batuhan” ay laro sa perya.

Bilang mga taga-sunod ng ating Panginoong Hesu Kristo ang paglago natin ay dapat taliwas sa values ng “batuhan.” Kaya nga’t ang paglago sa pananampalataya ay nasusukat sa pagiging maunawain, mapagpasensya at sa pagiging mapagpatawad. At ang ating maturity bilang mga babae’t lalaki ay nasusukat din sa mga tastes natin sa buhay na nakikita sa ating kilos at sa ating pananalita – wala tayo sa perya.

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s