Mabaho pero Masarap

Easy lang girls, hindi ako ‘yan. Hindi lang ako ang nilalang na nagtataglay ng ganyang klaseng kapangyarihan. Meron ding mga mas mababang uri ng nilalang na may katangi-tanging amoy, pero ang lakas ng hatak. Ito ang mga bagay na mahirap intindihin, kasi kahit mga theoretical physicists iniiwasan nila ang nasabing realidad dahil alam nila di kaya ng utak nila at pang-amoy ang pag-aaral sa mga katotohanang mabaho pero masarap.

Isa na dito ang katotohanan tungkol sa bagoong balayan at ginamos. Hindi naman lahat ng bagoong nakasisindak ang amoy. Naalala ko yung bagoong sa Barrio Fiesta hindi naman skandaloso ang amoy. Naalala ko tuloy, kapag walang ulam sa bahay yun ang ultimate pantawid gutom, lalo na kapag ginisa. Pero yung balayan tsaka ginamos minsan parang putik ang pagkakagawa tsaka gumuguhit yung amoy sa ilong pero, milagro, maraming nababaliw dyan. Sa pananaliksik ko, ang ginagawa ng ilan pinipigaan ng kalamansi ang bagoong, siguro half-half ang proportion, at presto, sawsawan na. Nakatikim na ako n’yan. Verdict: mabaho pero masarap.

Ang susunod ay ang katotohanan tungkol sa buro. Sa mga Kapampangan ko lang ito na-diskubre. Kapag ito inihain sa hapag kainan hindi mo maiwawaksi ang katotohanan n’yan. Mahirap intindihin ang katotohanan ng buro, pero and’yan na ‘yan eh, at may kumakain. Pero sabi ng ilan pwede naman daw lutuin. Ngunit para sa mga caballero nating mga kababayan na kumakain ng buro, as is, magigiting kayo. Nakatikim na ako. Verdict: hindi talaga kaya.

Kasama na sa listahan ang durian. Iba talaga ang amoy nito. Hirap ipaliwanang. Basta may softdrinks at wala kang high blood – verdict: mabaho pero masarap.

Marami pa tayong kinagisnang pagkain na may pambihirang amoy. Pero sa listahan natin ngayon, hihinto muna tayo sa tinapa. May konti lang akong reservations kasi maraming nababahuan sa tinapa, pero sa inyong abang lingkod mabango para sa akin ang tinapa. Siguro kasi kapag mahal mo tanggap mo e. Para sa akin mas katanggap tanggap na sasabihan mo yung babae ng, “Miss amoy tinapa ka ah,” kaysa, “Miss amoy bawang ka,” o kaya, “Miss amoy sibuyas ka.” Di ba mas sosyal yung tinapa? Anyway kanya kanya tayong panlasa e. Kaya kahit mabango para sa akin ang tinapa, isinama ko na sa listahan ng “mabaho pero masarap.”

Sana may natutunan kayo sa blog na ito. Alam ko marami pang pagkain ang maililista ninyo. Ipagbigay alam na lang ninyo sa ating mga kababayan. At sa susunod na umagahan, tanghalian o hapunan magbigay pugay tayo sa mga pagkaing sariling atin at sabihin, “Ang baho nito ah, sigurado masarap.”

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s