32 Hours na Byahe

Dahil student pa ako (ehem) e nakisama ako sa bakasyon from December 2015 to January 2016. Ito na ata ang pinakamahabang Christmas break na naranasan ko sa talambuhay ko, salamat K-12.

Dahil pakiramdam ko mahaba ang bakasyon nag-bus ako. Diskumpiyado nanay ko, lagi niya sinasabi kung sigurado daw ako. Bakit di na lang eroplano. E gusto ko talaga magbyahe ng RORO, or Roll On Roll Off, parang lumpiya lang.

Kaya kumuha ako ng tiket sa Ceres bus line sa Araneta Cubao. 2Go ang sasakyang barko para diretso na from Batangas to Caticlan. Kaso kung ordinary trip e dadaan pa daw ng Mindoro, hassle kasi baba-taas kayo sa barko. Nakakapagod.

Ang binili kong tiket pang 12PM pero dumating ang bus 2PM na. Yung mga kasama ko sa istasyon ng bus paiko-ikot na sa pwesto. At yung iba naman buti na lang may dala silang pagkain, as usual the immortal adobo ang ulam nila.

Dahil sa sobrang daming tao na nakaupo sa sahig dun na pinaihi ng lola ng isang bata yung apo nya sa bote ng C2. Bata pa talaga kaya kasya pa sa butas ng C2. Pagkaihi nung bata nilapag nung lola yung bote sa tabi ng isang box kung saan kumakain pa ang kasama nila ng masarap na adobo. Good luck lang sa dadampot ng bote. Nakakapawi din naman ng uhaw yun.

Nakasakay kami ng bus mga past 2PM. Pero natuwa naman ako kasi halos two hours lang ang Batangas port from Cubao. Galing, may bago na kasing highway. Pero ang siste pagdating sa Batangas nalaman ng driver namin na wala palang puwesto ang bus sa 2Go. Kaya naisip ng driver at conductor na dumaan na lang kami sa Mindoro. Pero ang siste hindi rin nakapag-reserve ang bus sa mga barko kaya katakot-takot na stranded ang inabot namin.

Suma total inabot ako ng 32 hours from Cubao to Jaro Iloilo.   Yang picture sa ibaba, Caticlan na yan, pero naghintay pa din kami at nastranded sa dagat kasi puno ang port. From Caticlan to Jaro mga 6-7 hours pa by bus.

 

Caticlan.jpg

Nasa gilid kami ng barko nakatanaw sa Caticlan. 

Dumating ako sa Jaro 12 midnight na. Buti na lang talaga sinundo ako ng pinsan ko kahit hatinggabi na. Sa halos two days of travel milagro na wala akong migraine. Kaya masaya pa din. Pero pagod talaga. Ang pinakamalupit na surpresa? Sabi ng pinsan ko di daw ako matutulog sa kanila kasi hindi handa yung bahay nila kaya nag-book sila sa hotel. Ang bait lang nila Manang. Dalawang kama yan, kasi nakareserve yan sa guests nilang foreigner, kaso di na nagamit kaya binigay na sa akin. Nung nasa loob na ako ng room, napukaw ang malisya ko pero mga 5 minutes lang kasi sobrang pagod ko. Matalino si God.

Hindi ako binayaran ng Days Hotel para isulat ito, pero maganda ang place. As usual wala silang tabo at balde.

Hotel Iloilo.jpg

 

Hotel Iloilo 1.jpg

Key holder

Overnight lang naman ako kasi kailangan kong pumunta ng Bacolod via ferry kinabukasan. So 6AM gising na ako then breakfast with Manang and her husband hotel bago lumarga. Masarap ang breakfast sulit.

Ang byahe ko: umalis ako ng Cubao January 7 dumating ako sa Jaro, Iloilo January 9. Hindi naman ito madalas mangyari. Ang normal na byahe by bus is 19-22 hours.

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s