UAAP Result: Ang sakit, pero magaling talaga FEU

Ilang araw ko ding ininda ang pagkatalo ng UST sa FEU. Pero magaling talaga si Mac Belo. At di nagamit si Ferrer. Bukod diyan ang daming lumilipad na players mula sa Tams, yan ang di kayang gawin ni Abdul – ang mag-take-off. So talo talaga. Kahit anong post-game analysis ang gawin, second to the champion talaga ang Tigers. Pero dapat na ding ikagalak yan. Sa sobrang daming piratahang nangyayari at least may players pa ding natitira sa UST at sa ibang less moneyed schools.

Pero ito lang naman ang pansinin sa isang broadsheet newspaper – ang liit ng picture ng FEU sa front page! Pero kapag La Salle o Ateneo ang nananalo halos fifty percent ng front page sakop. Kapag sila ang naglalaban dapat todo atensiyon lahat. Pustahan, hanggang Sunday magazines featured ang players nila, may individual interviews pa. Tapos puputaktihin ng endorsements yung mga poging players. Yan tayo eh.

I think this should be addressed ng mga media practitioners natin. Kung mahalaga ang sports sa edukasyon ng mga Pilipino dapat pantay-pantay ang trato. UAAP shapes the values of our students. Kung nasasayahan kayo kasi nanalo ang Ateneo kaya binibigyan ng ample space sa front page, bakit di pwedeng gawin sa ibang schools? Make it a point na whoever wins sa UAAP deserves a generous and equal treatment. Hindi naman sa I have anything against sa Ateneo or La Salle, far from it, pero may obvious machinations sa treatment ng media behind these two universities. Di pa natin pinag-uusapan ang NCAA dito.

Anyway, saludo ako kina Belo ng FEU. At habang naglalaro pinapakita sa camera ang parents ng mga players, mostly from FEU – fortunately hindi yung mga rumored girlfriends nila. After the game bumaba yung nanay ni Belo at yinakap ang anak. Pero ewan ko lang kung gagawan ng article yan. Sana bigyan din ng halaga, tulad ng yakapan ang magkapatid na Teng during UST-La Salle finals.

These values should stand out in UAAP. University basketball pa rin yan. Mga paaralan pa rin ang involved. And for parents to see that their sons have achieved something in school means a lot, kahit sa sports. I cannot overemphasize this point – hindi professional basketball ang UAAP. University basketball yan. And if we don’t see the difference anymore, perhaps commercialism has indeed consumed our idea of “education.”

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s