Pagmamaneho at Moralidad

Basilio

Naniniwala ako na may tama at mali. Nung bata pa ako ang daling sabihin “ito tama, ito mali.”  Pero nung nagka-edad na ako kinain ko lahat. Parang halos lahat ng alam kong mali nagawa ko eh. At may mga dahilan ako kung bakit ko nagawa ang mga yun. Dumami ang mga gray areas pagdating sa kung ano ang tama at kung ano ang mali.

Naging mas matingkad ang isyung ito kamakailan lang. Dahil may driver’s license na ang bunso naming kapatid na babae siya na ang pinamaneho ko ng kotse pauwi. Dalawa lang naman kami nun nag-mall. Syempre backing ang maneobra ng sasakyan para makaalis sa parking slot. Hindi pa kami umaalis may kotse may naghihintay na sa likod ng sasakyan namin. Ang dami namang bakanteng parking area. Dahil hindi pa masyadong tantsado ng kapatid ko yung sasakyan nakadalawang atras at abante kami para makaalis sa parking slot. Sa pangalawang atras at abante binusinahan kami ng todo ng sasakyan sa likod namin. Habang ako naman tuloy pa din sa pag-instruct sa kapatid ko ng “I-todo kabig mo sa kaliwa. Preno. Primera. Todo kabig sa kanan, di ka na tatama nyan. Yung signal light wag mong kalimutan lagi.” Habang kalmado akong nag-iinstruct todo busina pa din yung kotse sa likod. Nainis ako, pero sabi ko sa kapatid ko, “Pag binubusinahan ka kalma ka lang. Hayaan mo silang magalit di ka naman nila babanggain eh. Focus ka lang sa pagmamaneho para safe.”

Pero sa loob ko, kung di ko lang kasama ang kapatid ko na babae, na bunso, na love ko syempre, bababain ko yung hayop na yun eh. Kakalasin ko yung busina at itatapat ko sa mukha nya sabay sabi “Di ka makapagpigil ha!? Horny ka ha? Ang kulit mo e! Isasaksak ko mukha mo sa busina e.” Basta dami ko gustong gawin: itataob ko yung kotse nya o kaya tatanggalin ko yung isang gulong tapos ihahagis ko sa malayo. Basta adrenaline rush talaga pag naunahan ako ng init ng ulo. Pero syempre di ko ginawa yun! Alam mo kung bakit ha? Kasi kailangan kong magturo ng moral lesson sa kapatid ko. Na huwag syang gaganti sa kapwa nya kahit ganting-ganti na ako. Dahil delikado lalo na girl sya. Dapat cool lang lalo na sa traffic.

Sa insidente na yun, napatunayan ko na ang hirap talaga gumawa ng moral choices in actual. Minsan talaga, it requires a certain degree of hypocrisy. Halimbawa na lang kailangan kong ituro sa kapatid ko na huwag magalit or gumanti, kahit sa loob loob ko gusto kong gumanti. Alam ko tama yung tinuturo ko eh, pero yung damdamin ko iba yung gustong gawin. Kaya naiintindihan ko na yung mga matatanda kapag sinasabi nilang “Huwag ninyo akong tutularan.”

Kasi kahit pagbaligbaligtarin man ang mundo alam ko yung “tama” pa din ang ituturo ko sa mga mahal ko sa buhay. Kahit na alam kong madalas akong pumalya sa mga aspetong yun.

Advertisements

7 Comments

Filed under Uncategorized

7 responses to “Pagmamaneho at Moralidad

  1. Nakakatuwa po yung post niyo na ‘to. 🙂 Tamang-tama mga sinabi niyo. Kahit ako po sa bata kong kapatid, ganun din ang iniisip ko pagtinuturuan siya ng tama at mali. May hypocrisy po talaga. Pero ang maganda dito, nagagawa paring turuan ang iba na maging mas mabuting tao at tayo mismo naiidentify parin ang pinagkaiba ng dalawa.

  2. Di ka makapagpigil ha!? Horny ka ha? Ang kulit mo e! Isasaksak ko mukha mo sa busina e.”

    Tawang-tawa ako dito. Hahaha

    Anyway, tama ka dyan. Minsan talaga we need to control ourselves. Pero sana yung iba, matuto rin mag-control ng sarili nila para world peace. Pero imposible yun. Boring ang buhay na walang mga taong tulad nila. Hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s