Dyaryo at Mani

Basilio               Hindi na uso ngayon ang magbalot ng paninda sa dyaryo. Makakarinig ka sa mga bata ng “WTF.”    Pero yun yung kinalakihan namin. Tinapa ang pinakasikat na paninda na binabalot sa dyaryo. Puro tabloid naman ang gamit nila, at minsan broadsheet. Di ko alam suppliers ng mga yun, pero hinala ko binibili nila sa junkshop ang dyaryo. Kasi may junkshop kaming kapitbahay at may customers silang amoy tinapa.

                Kapag umuuwi kami ng kapatid ko galing eskwela dumadaan kami sa isang tindahan na may maraming garapon. Bubble gum na kulay pula, cornik, chewing gum na kulay puti, at kung ano-ano pa. Basta nakahilera yung malalaking garapon na puno ng isang klase ng item. At isa dun mani. Siguro tatlong piso isang balot na yun ng mani. Sasalukin sa garapon ang mani tapos ilalagay sa dyaryong hinugis cone tsaka sasarhan sa bunganga sa pamamagitan ng pagtiklop nito. Minsan yellow pages ang gamit. Hindi coupon bond na may yellow stain, ewwww, pinahid na yun sa pwet. Yellow pages yung directory ng PLDT.

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon linalagay sa dyaryo yung mga chichiryang ganun. Kapag konti lang bibilhin mo palad mo ok na. Basta nagkakaintindihan na kayo ng tindera. Kapag singkwenta lang dala mong pera alam mo sa kamay mo na ilalagay yung mani, o bubble gum, sabay subo.

Nag-iintay ka ba ng moral lesson sa entry na ‘to? Wala akong maisip sa totoo lang. Pero siguro

kung may lesson man, ito yun “‘wag kang mag-inarte.”

Advertisements

3 Comments

Filed under Uncategorized

3 responses to “Dyaryo at Mani

  1. at may customers silang amoy tinapa. – HAHAHAHA

  2. hey thanks unjellanera and alexxianne! malaking tulong talaga ang dyaryo hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s