Puro Hukay na lang sa Sampaloc

Ewan ko ha, pero mas mabilis pa dumami kesa pimples ang hukay sa Sampaloc. Sampaloc pa lang yan ha. Nung bata pa ako (ngayon baby face na lang), bihira ang hukay sa Manila. Pero habang tumatagal, lalong dumadalas ang hukay. Wow, ano to sementeryo ha?

Adik ba kayo sa Jackhammer?! Bored ba kayo sa tambayan nyo para jackhammerin nyo yung mga kalsada. E kung bahay nyo kaya jackhammerin namin.

Sawang-sawa na kami na naririnig na ang bawat hukay e para sa ikabubuti ng barangay, distrito, o kung ano man yang kinasasakupan nyo. Ano ba talagang inaayos nyo? Taas ng kalsada sa isa, hukay ng drainage sa isang street, tapos sa isa maglalagay ng bagong concrete pipes. Magkakadugsong ba yung pipes nyo?

Hindi nyo naman pinapaskil magkano nagagastos at ano ba talaga plano niyo? Ilang taon nang ganyan tapos sisisihin n’yo UST dahil sa worsening flood situation sa Manila. Sa sobrang dami nyong pera para maghukay almost every month, tingin ko kaya nyo solusyunan ang flood and traffic problems natin…..kung gusto nyo.

Ito straight na to ha, kasi pakiramdam namin nagkakalokohan na lang tayo e. Hindi ba kapag masyadong madalas ang “repair” indikasyon ito na hindi maganda ang pamamalakad? Kahit saang institusyon ka pumunta alam yan eh.

Eto pa, ang mga electric posts nasa kalsada na mismo. Tingnan nyo na lang yung Quezon Ave. Grabe. So ibig sabihin nagroroad widening kayo na walang coordination with electric / telecommunications companies? Nasan City Engineers natin?

Tsaka sa laki ng budget ng Kongresista bakit puro Operation Tuli na lang project every summer? Anak ng…….&@^&%#&. Nag-iipon kayo ng foreskins?  Yun ba un. Kailangan i-fund ang tuli? Sa sobrang dami ng nag-memedical mission na schools and companies may supot pa din? Naman!

Now…..hinga ng malalim. Relax. Breathe. Nak ng !#@%…..breathe. Relax.

Advertisements

1 Comment

Filed under Uncategorized

One response to “Puro Hukay na lang sa Sampaloc

  1. Tawang-tawa ako hahahaha will stalk you now in 5…4…3….2….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s