Ritwal, Ritual, Ritus

Boring ang ritual?

Siguro naman dumating din sa panahon na bored ka na sa rituals. Pinakasikat na halimbawa, pagsisimba. Misa ang pinakaritwal sa lahat ng ritwal sa buhay natin. At least sa Catholics. Yung tipong sa sobrang ritualized sumusuko ka na. Kaya dumadating sa buhay mo talaga na gusto mong lumakad mag-isa at huwag magsimba kasama ang pamilya. Anyway, lagi naman kaming late sa mass nung buhay pa tatay ko hehehe. Kaya medyo nakaluwag na din.

Pero ngayon ko lang naisip na ang dami ko din palang ritwal na ginagawa. I mean, nakakamiss din pala kapag nawawala yung kinalakihang ritwal. Hindi lang tungkol sa misa. Nung bata pa kasi ako, tumira ako sa bahay ang aunty ko. Doktora siya, di na din nag-asawa, parang pinahiram lang ako ng nanay ko para tumulong sa bahay nila. (Sidestory: tiningnan ko picture ni aunty nung med student pa sya, grabe ang ganda nya, pero yun di na nag-asawa). Solve naman ako sa bahay ni aunty kasi lagi akong may chocolates at mansanas. Elementary pa ako nun. Pero isa sa mga tumatak sa isip ko pagdating ng Sabado, 7AM, kailangan naglilinis na kami ng bahay.

Strikta kasi yun kaya di ako maka-angal, “Nanay ba kita? Sa bahay nga di ako naglilinis e.”

Wala pang floor polisher nun. Kaya nagbubunot talaga ako ng sahig. Yung kasama namin sa bahay si Ate She hati kami ng kuwartong binubunot. Tapos nun lahat ng kabinet pinupunasan pati yung malalaking salamin. Yung aunty ko naman, sa sala madalas maglinis…basta walang pinapalampas na sulok yun. Kahit gagamba mahihirapan magtago e. Yung washing machine nga binubuhat pa namin malinis lang yung ilalim.

Sa sobrang kabisado ng aunty ko yung bahay, alam din nya kung ilang daga nakatira dun. “Bata pa yung isa ah,” sabi nya minsan. Alam mo yun parang kilala nya parents ng daga. Pero pag na-spotan nya yung daga, yari yun sigurado. Kaya yung Sabado sa akin nung bata ako, parang dreaded moment pero may fulfillment din, kasi ang sarap ng meryenda eh pagkatapos maglinis.

Yun yung ritwal na naging bahagi ng buhay ko. Siguro isa sa katangian ng ritwal eh, kailangan mong dumaan sa stage na magsasawa ka. Pero gagawin mo pa din kasi alam mo may silbi. Ngayon, pag-Sabado naglilinis pa din ako ng kuwarto ko. Hindi na siguro kasing tagal nung araw ang paglinis, tsaka ala nang meryenda. Our actions are also bearers of history.

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s