Cristobal street ang dating Constancia

Basilio

Lumipat na kami ng bahay nang palitan ang pangalan ng kalyeng Constancia. Ilang taon din kaming tumira sa kalyeng iyon at kinalakihan kong sulatin ang Constancia Street sa tuwing pinupunan ko ang mga dokumento sa eskwelahan.

May naalala ko. Dahil tumira kami ng may katagalan sa Bacolod ay naalala kong lagi akong pinagtatawanan ng aming mga kalaro at kaklase dahil sa aking punto. Sabi ng guro namin “Pronounce door.” Ang sagot ko “Dur”. “Pronounce tricycle.” Ang sagot ko “Tray-si-kol” “Pronounce oil.” Ang sagot ko “O-wel”. At marami pang iba.

May isang tindahan sa Constancia noon kung saan ako laging inuutusan ng nanay ko na bumili ng mga pansahog sa ulam tulad ng toyo, bawang at suka. At kahit na taga-Marinduque ang aking ina, siguro dahil na rin sa pagmamahal sa tatay ko, nagpapaka-ilongga na din siya at may expense. Inutusan niya kasi ako minsan na bumili ng mantika sa tindahan: ang mantika sa ilonggo ay langis. Siyempre sugod naman ako at sabi ko sa tindero (wala kasi yung nanay niya na laging tumatao sa tindahan), “Kuya pabili po ng langis yung pangluto.” Ang sagot niya, “Ah langis ba? Anong klase gusto mo krudo, gaas or brake fluid?” Nagtawanan yung mga walang hiya niyang kasama sa loob ng tindahan. Pero binigay pa din niya yung langis na nakabalot sa plastic. Ngayon wala na ang tindahan dun at yung siraulong tindero – joke lang. At hindi na din Constancia ang tawag sa kalyeng dati naming tinirhan.                         

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s