SANA AY IKAW NA NGA

Ito ay isa sa mga awitin ni Basil Valdez. Tunghayan natin ang ilang linya sa awit: “Ano’ng kailangan kong gawin upang malaman mo, na ika’y minamahal ko. Sumpa ko sa sarili, hinding, hinding, hindi na, ngunit heto na naman ako.” Marahil kinanta mo na din ito, lalo na nung mga panahong na-seen-zone ka sa FB. Gusto mong turuan at sabihin sa puso mo na tama na, hindi na ako iibig pa, pero, sa kailaliman ng puso mo umaasa ka na kahit papaano, “sana, ikaw na nga.” Paalala: pwedeng kiligin habang binabasa ang repleksiyong ito.

Kung isa ka sa milyon-milyong Pilipinong kinanta na ang awiting ito sa videoke – congrats. Tao ka. Umasa ka. Nagmahal ka. Kung hindi pa, siguro tao ka pa din naman, yun nga lang ang kinanta mo siguro Foolish Heart, Torpe, My Way, o kaya Ocean Deep.

Anyways, sa mga nakakarelate sa awiting Sana ay Ikaw na Nga, marahil nakakonek kayo sa mga senyales ng pag-ibig. Signs. Uhaw na uhaw ka sa mga signs, o senyales, at punong puno ka ng interpretasyon sa lahat ng ginagawa ng crush mo. Yung pag-reply sa FB kahit “K lang” ang sagot. Yung pag-tawa niya sa jokes mo. Yung pagpapalit niya ng profile pic na nakangiti siya tapos susulat ng post “pinatawa mo ako ngayon.” Lahat yun, nagkakaroon ng malalalim na kahulugan. May meaning. Sana ikaw na nga.

Minsan, natututo na din tayong matakot mag-basa ng signs. Kasi kadalasan nagkakamali tayo at sa bandang huli, nasasaktan. Ayaw na nating magbasa ng signs dahil pait at pighati ang dinudulot ng maling pag-basa – umaasa sa wala. Natuto na tayong matakot. Atsaka kaakibat ng pagbabasa ng signs ang paghihintay, kaba, at walang hanggang pagtatanong, “Sigurado kaya ako sa naiisip ko, o baka iniisip ko lang?”

Kung susuriin natin ang karanasan natin sa ating buhay pag-ibig, mauunawan natin ang sinasabi ni Kristo na hindi lang sa tinapay tayo nabubuhay. Sabihin na natin, hindi lang din tayo sa tubig nabubuhay. Hindi lang sa kawalan ng tinapay tayo nagugutom at sa kawalan ng tubig tayo nauuhaw. Nauuhaw din tayo sa kasiguruhan. Pero mahirap maging sigurado, lalo na kung puro senyales ang pagbabasehan. Tulad ng buhay pag-ibig, ang buhay pananampalataya din natin ay puro signs lang din ang ibinibigay. Kaya ang hirap din maging sigurado. May Diyos ba? Look for signs. Maliligtas ba ako? Look for signs. Masama ba ako? Look for signs. Holdaper ba si kuya? Look for signs.

Sa pagmumuni ko kanina over coffee, may na-realize ako. Sabi ng Panginoon natin, “Do not be afraid.” Huwag tayong matakot magbasa ng senyales. Nakakabulag ang takot. Sa Gospel natin ngayon, sinasabi sa atin na may mga signs na binibigay ang ating Panginoon at pwede nating panghawakan. Hindi tayo binibigo ng Panginoon pagdating sa signs. Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron. Kaya lagi nating ipagdasal na pawiin ng Panginoon ang takot sa ating mga puso, at bigyan Niya tayo ng kakayahang makita ang Kanyang pagkilos sa ating buhay, sa pamamagitan ng Kanyang mga senyales.

N. B. Ito ay isang Gospel reflection. Sisikapin ko na magnilay din sa Scriptures sa mga susunod na araw. Para maiba naman 🙂

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s