Minsan gusto ko ding baguhin ang Pilipinas eh

Basilio

Yung tipong pag sasakay ka ng jeep eh mababango lang at magagandang babae yung nakakasabay mo. Ang sarap siguro ma-traffic pag-ganun. I mean tanggal stress di ba? Eugenic complex ang dating pero, kung bibigyan natin ng 300 years to develop hindi naman na mararamdaman ng mga human rights advocates ang plano. I mean gradual change. Kaso patay na ako nun.

Tsaka kung talagang tinadhana na laging nag-pa-price hike ang pamasahe, pwede ba huwag naman yung tig-fifty cents or twenty five cents kasi ang hirap kumuha ng barya. O kaya gawa na lang kayo ng paper bill na 8.50, o kaya 8.25. Para at least alam ng PISTON na yun lang ang limit ng roll back o price hike. So sa dyaryo pag sinabing “O Rollback ang pamasahe next month ha.” O kaya “O Price Hike pamasahe sa jeep next month.” Alam natin na 8.50 o 8.25 lang ang bentahe. Ang sakit sa ulo kasi eh.

O kaya minsan naisip ko para mas mabilis ang buhay natin, gumawa na lang tayo ng Paper Bill na nakasulat QUIAPO, CUBAO, EDSA, KAMUNIIIIING, DIVISORIA, MORAYTA, o kaya DIRETSO, para pag inabot mo sa drayber alam na kung saan ka di ba? (Pero hanggang ngayon di ko alam kung saan talaga yung Diretso). Tapos pwede mo na din sabayan ng printing ng Paper Bill na nakasulat naman SUKLI. At least mabilis magkaintindihan, bawas pa sa explanation ng “Ma! Senior ako!” o kaya “Manong estyudyante po.”

Tingin ko kaya naman itong mga pagbabagong ito. Basta sama-sama.

Advertisements

Leave a comment

Filed under Kwentong Sampaloc

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s