Medyas

N.B. I have written this many years ago. I know it might appear gross at first, but…….well it may really be irredeemably gross after all. hehe.   

              May ilang araw na din ang nagdaan. Sa labas ng aking bintana ay nakita kong naging paru-paro na yung higad na rumaratrat sa dahon ng halamang ‘di ko alam ang pangalan; ang mga kuwartong nakapaligid sa akin ay pinuwangan na ng mga brothers na lumabas, pero di pa rin ako naglalaba ng medyas.

Mahirap pala labhan ang bagay na madalas gamitin at walang kapalit. Nag-iisa lang kasi ang makapal na itim na medyas na gamit ko sa sapatos. May kaluwangan ang sapatos kaya dudulas lamang sa loob nito ang mga natitira kong medyas na may kanipisan.

Ang medyas ay halos naging bahagi na rin ng aking abito. Kapag nakaabito, mapa-sapatos man o sandalyas ay kailangang naka-medyas. Yun nga lang, fashion killer daw ang pagsusuot ng medyas sa sandalyas. Kasi nga raw isinusuot ang sandalyas para makahinga ang mga paa, kaya di na dapat balutan pa. Hindi ko alam kung sino ang nagpauso nito, Hapon ba, basketball players or seminarista. Pero dito sa amin basta nakaabito at sandalyas, kailangang naka-medyas. Sa isang banda, maganda na rin ito para iwas kalyo at saka napapanatili nitong moist at supple and skin sa paa, salamat sa pawis.

                Kamakailan lang abalang-abala ang mga tao dito. May kakaibang timpla kasi ang hangin na hindi ko basta-basta makuha ang lasa. Nung gabing iyon, pagkatapos ng hapunan, dali-dali kong hinubad ang medyas para hindi masyadong marumihan. At ayoko rin ng pakiramdam na suot ito kasi parang lalabas ulit ako ng kuwarto. Ramdam ko kasi na maraming abala sa gabing iyon pero nakakailang lumabas ng silid na walang kasiguruhan kung anong nangyayari.

                Madaling araw. Nagising ako sa ingay ng mga kahong kinakaladkad. Binangon ko ito at nakita kong naghahakot ng gamit ang aking ‘kapitbahay.’ Takda pala niyang lihim na umalis. Nabulilyaso lang siya kasi ba naman ang ingay-ingay niyang maghakot ng gamit. Naroon na rin lang, tumulong na akong magbuhat kasama ang ilang nobisyong nakaaalam sa kanyang paglisan. Pambihira ang umagang ‘yon dahil minsan ko lang talagang makasabay sa paglalakad ang aking ‘kapitbahay.’ Sa panahong nilagi naming sa nobisyado ay hindi ko nilubos ang pagkakataong makilala ko siya. Siguro ang pinaka-intimate na event na nangyari sa amin ay yung muntik na kaming magsuntukan habang nag-aayos ng dekorasyon para sa pasko. Inunahan ko siya ng sindak kasi mala-kalabaw talaga ang lakas niya (hindi pa kasama ang hitsura nya ha) alam ko talo talaga ako dun. Habang sinisigawan ko siya at hinahamon napansin ko may hawak siyang martilyo kaya bigla ako nag-cool down, alam mo na, baka ipako nya ako sa pader ng wala sa oras.

Dahil sa gamit napitpit sa gawing talampakan ang dati kong makapal na medyas. Malamang din nahulma na ito sa dumi sa pagdaan ng panahon. Kumbaga meron na siyang masasabing sariling tatak. Iba na siya sa lahat ng mga medyas. Kaya nagdadalawang isip na rin ako kung lalabhan ko pa ba ang aking medyas, kasi para na rin akong papatay ng alaala. Pero kung iisip-isipin, kung lalabhan ko ang medyas, sigurado, muli itong aalsa.

Advertisements

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s